Ilabas ang mga baril at bomba ng protesta!
Putulin at
pulbusin ang pusod ng mga kapitalista!
Puno na ang salop
ng bayang palaging inaalipusta!
Masagana ang
negosyo ng mga lahi-demonyo
Esep-esep sila
palagi kung paano gatasan ang publiko.
Rurok ng pagiging
adik sa pilak at ginto
Ang namana nila
sa mga hudas na ninuno.
Lasing sila sa
kalansing ng dinidiyos na pera
Cola sa kanilang
lalamunan ang dugo’t pawis ng masa.
O, kalangitan
kung may tenga ka’t mata kuryentehin mo sila!
Espiritung
madilim ng pagiging gahaman
Rumaragasa sa
kanilang bulok na katauhan.
Buwisit ang
sabwatang IPP, MERALCO, at ERB!
-JOHN IREMIL E.
TEODORO
21 Enero 2014 Martes
9:56 n.g. Rosario, Pasig
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.