Tungkol sa Manunulat

My photo
Premyadong manunulat sa Kinaray-a, Filipino, Hiligaynon, at Ingles si JOHN IREMIL E. TEODORO na tubong-San Jose de Buenavista, Antique. Ilang beses nang nanalo ng Carlos Palanca Memorial Awards for Literature at ng National Book Award mula sa Manila Critics Circle at National Book Development Board. Associate Professor siya ng wikang Filipino, literatura, at malikhaing pagsulat sa College of Arts and Sciences ng Miriam College, Lungsod Quezon. Nagtapos siya ng M.F.A. Creative Writing sa De La Salle University-Manila kung saan siya nag-aaral ng Ph.D. in Literature sa kasalukuyan. Kilala rin siyang kritiko ng Literaturang Hiligaynon. Nakatira siya ngayon sa kaniyang maliit ngunit makulay na bahay sa Rosario, Lungsod Pasig.

Thursday, February 10, 2011

Kalakarang Kawatan

Magnakaw ka sa kaban ng bayan nang bonggang-bongga.
Tiket, hotel, at pang-shopping ng iyong dyowa sa Amerika at Europa
Patay-malisya mong pabayaran sa iyong opisina.
At kapag mabisto ka at ipinapahiya na
Ng mga kapuwa mo magnanakaw sa senado at kamara,
Pumunta ka sa libingan ng iyong ama’t ina
Upang barilin sa dibdib ang sarili isang umaga.
Tingnan mo, ipagdarasal ng Malakanyang ang iyong kaluluwa,
Bibisitahin ka ng mga dating presidente na makakapal ang mukha,
At papasyal sa iyong burol ang midnight appointed na ulo ng korte suprema.
Ipagbubunyi pa sa mga telebisyon ang iyong matapat na paglilingkod
      sa bansa.
Ililibing ka pa sa Libingan ng mga Bayani, palangga.


-J.I.E. TEODORO
 10 Pebrero 2011 Huwebes
 6:17 n.u. Lungsod Pasig

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.