Tungkol sa Manunulat

My photo
Premyadong manunulat sa Kinaray-a, Filipino, Hiligaynon, at Ingles si JOHN IREMIL E. TEODORO na tubong-San Jose de Buenavista, Antique. Ilang beses nang nanalo ng Carlos Palanca Memorial Awards for Literature at ng National Book Award mula sa Manila Critics Circle at National Book Development Board. Associate Professor siya ng wikang Filipino, literatura, at malikhaing pagsulat sa College of Arts and Sciences ng Miriam College, Lungsod Quezon. Nagtapos siya ng M.F.A. Creative Writing sa De La Salle University-Manila kung saan siya nag-aaral ng Ph.D. in Literature sa kasalukuyan. Kilala rin siyang kritiko ng Literaturang Hiligaynon. Nakatira siya ngayon sa kaniyang maliit ngunit makulay na bahay sa Rosario, Lungsod Pasig.

Thursday, February 24, 2011

Akala Ko Lang ‘Yun


Akala ko mga estudyante ko lang ang tamad magbasa,
Pati rin pala ang Korte Suprema, punyeta!
Imadyin, inutusan nila ang Kongreso na tigilan muna
Ang pagpapa-impeach bilang Ombudsman sa magandang si Mercedita
Na wala silang binasang mga dokumento ng ebidensya.
Kunsabagay, hindi naman talaga nakapagtataka—
Sina Mercedita at Corona ay mga naglalaway na aso ni Gloria!
Iyun na! Mga linintian sila! Yudiputa!


-J.I.E. TEODORO
 24 Pebrero 2011 Huwebes
 6:15 n.g. Lungsod Pasig

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.