Tungkol sa Manunulat

My photo
Premyadong manunulat sa Kinaray-a, Filipino, Hiligaynon, at Ingles si JOHN IREMIL E. TEODORO na tubong-San Jose de Buenavista, Antique. Ilang beses nang nanalo ng Carlos Palanca Memorial Awards for Literature at ng National Book Award mula sa Manila Critics Circle at National Book Development Board. Associate Professor siya ng wikang Filipino, literatura, at malikhaing pagsulat sa College of Arts and Sciences ng Miriam College, Lungsod Quezon. Nagtapos siya ng M.F.A. Creative Writing sa De La Salle University-Manila kung saan siya nag-aaral ng Ph.D. in Literature sa kasalukuyan. Kilala rin siyang kritiko ng Literaturang Hiligaynon. Nakatira siya ngayon sa kaniyang maliit ngunit makulay na bahay sa Rosario, Lungsod Pasig.

Wednesday, February 23, 2011

Edsahan Blues


Ika-dalawampu’t limang taon daw ng EDSA
Sa Biyernes kaya walang pasok.
Edsang ina nila! Ano’ng ipagdiriwang natin?
Dumadami ang dukha, pinapatay ang mga peryodista,
Dinudukot at nawawala ang mga aktibista,
At busog na busog ang mga heneral at tarpolitiko!
Ang asawa’t mga anak ni Marcos may mga puwesto na.

Inedsa lang tayo ng madasaling si Cory.
Inedsa lang tayo ng bolerong si Ramos.
Inedsa lang tayo ng babaerong si Erap.
Inedsa lang tayo ng superkurap na si Gloria.
At ngayon iniedsa tayo ng utak-hasyenderong si PNoy.

Nag-edsahan lang tayo mga kababayan ko.


-J.I.E. TEODORO
 23 Pebrero 2011 Miyerkules
 6:16 n.u. Lungsod Pasig

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.