MAY bago na namang pasabog si Atty. Ferdinand Topacio, ang
matalinong abogado ng mga Arroyo. Mayroon daw “Triple X,” alyansa ng tatlong ex
president, kaya daw “X” (Oh, how witty and sublime! Di ko na-gets agad. How
dense naman is me.), na sina Fidel Ramos, Joseph Estrada, at Gloria Macapagal
Arroyo para mag-endorse ng tatakbong presidente ng Filipinas sa eleksiyon 2016.
Ang dalawang X na lalaki ay bumisita kay X na babae sa kaniyang kulungang ginto
sa VMMC nitong Nobyembre at Disyembre.
Pinipigilan kong ngumiti habang
sinusulat ang sanaysay na ititch. Paano, nalala ko ang sinabi noon ng matalinong
abogada ni Gloria na si Atty. Elena Bautista-Horn na “Oplan Put the Little
Girl to Sleep.” Isa umano itong plano ng pag-assassinate sa naka-hospital
arrest na noong si Gloria. Ngayon, “Triple X” na naman. Napaka-creative naman
nilang mag-isip ng mga pangalan ng oplan at samahan. Kung estudyante ko sila sa
malikhaing pagsulat, tiyak 5.0 (kung sa Miriam College ko sila estudyante) o
4.0 (kung sa La Salle), ang pinakamataas na grado, ang ibibigay ko sa kanila. Hindi ko na iko-copmpute ang grades.
Ayon kay Atty. Topacio kanina sa 24
Oras, ang paborito kong news cast sa prime time TV, iisa lang naman daw ang
reklamo ng Triple X sa pamamahala ni PNoy ngayon—hindi raw ito decisive. Hindi
decisive saan si Papa PNoy? Sa pagnanakaw? Sa pandarambong? Sa
pagsisinungaling? Sa pandaraya? Sa pang-e-echus ng mga Filipino? Bilib din
naman ako ha. May comment talaga sila ha.
Henewey, gin-deny na ni Erap itong
Alyansang Triple X. Wala raw bahid politika ang kaniyang pagbisita kay Gloria.
Wala pa namang reaksiyon si Ramos. At dahil abogado niya ang nagsabi nito on
national TV, I assume alam ni Gloria na kasama siya sa Triple X? In fairness
naman kay Atty. Topacio, sa pagkakuwento niya nitong Alyansang Triple X sa TV, para bang narinig niya lamang mula sa kung sino ang haka-hakang ito at hindi talaga nanggagaling sa
kanilang kampo. Mga supporter daw ng Triple X ang sumusulong nito.
Ngayon, pinipigilan ko na ang
tumawa. Paano, naiisip ko, sino kaya ang i-endorse ng Triple X (assuming na
totoo ang samahang ito) sa 2016? Si Bong Revilla? Si Jinggoy Estrada? Si Gibo
Teodoro na ayon sa ilusyon ng Tatay ko ay kamag-anak namin? Ngunit kasama sa
inireklamo sa Ombudsman ngayon sina Revilla at ang batang Estrada dahil sa PDAF Scam. Si Teodoro naman, biglang binitiwan noon ni Gloria nang
makita nitong wala nang pag-asang manalo sa pagkapresidente. Nalaos tuloy bigla
itong Tito Gibo ko (Kamag-anak nga namin di ba?). Marami ang nagsasabing talagang
matalino at matinong tao sana itong Tito ko. Bar topnotcher ito. And not to mention na guwapo siya
ha. Kaya lang identified kay Gloria kaya ayaw daw iboto ng mga tao. Ayaw ko namang
maniwala rito. Gusto ni Gloria, ayaw ng mga tao? Puwede ba ‘yun? Kung si FPJ
nga tinalo ni Gloria sa isang malinis na halalan, bakit di niya maipanalo ang Tito ko? What Gloria wants, Gloria gets. Di vah, Garci? Hello, Garci? Are you there
Garci baby? Bebe koh?
Hmm… Bakit hindi na lamang
i-endorse ng Triple X si Bise Presidente Jejomar Binay? Ang galing kasing
mag-epal nito at mukhang (mukha lang...) siguradong mananalo. O kaya si Senador Chiz Escudero
dahil mukhang in love na in love na sa kaniya si Heart Evangelista na parang biglang
nalaos nang naging girlfriend niya? E, ano kung anti-Gloria si Chiz noon? Ayon
nga sa isang lumang kasabihang Filipino, “Sa showbiz, just like in politics, there
are no permanent friends and enemies so you can never can tell.”
O para mas bongga, bakit hindi na
lamang si Bong Bong Marcos? Tutal, parang last year pa, handa na siya. Anak
siya ng isa pang dakilang ex-president. So, hindi lang ito Triple X kundi
Quadruple X pa! Di vah? O kung ayaw ni Bong Bong magpa-endorse sa kanila, baka
puwede si Mayor Romualdez ng Tacloban na cousin niya? Mas guwapo ito kaysa kay
Mar Roxas. Pareho nga lang sila ng IQ at EQ.
Pinipigilan ko nang humalakhak
ngayon…Naiimadyin ko na kung sino man ang i-endorse ng Triple X ay tiyak kong
iboboto talaga ng lahat ng mga Filipino kahit ng mga hindi rehistrado.
Naiimadyin ko nga, baka mas mataas pa ang botong makukuha nito kaysa kina Erap
at PNoy. Ang i-endorse ng Triple X ay talagang magkakaroon ng overwhelming mandate,
ika nga. Vaket? Dahil tunay na mga respetadong ex-president sina Ramos,
Estrada, at Gloria. Kung kredibilidad lang din naman ang pag-uusapan, walang
kabahid-bahid itong Triple X. In fact, modelo talaga sila ng good governance at
statesmanship. Ang Triple X na ito ay epitome ng mahusay na presidenteng kailangang-kailangan
sa loob man o labas ng bayan nating sawi!
Kung mananalo, at tiyak na tiyak
ito, ang manok ng Triple X, may I suggest na si Atty. Topacio ang gawing
Spokesperson sa MalacaƱang? Puwede silang magtandem ni Atty. Horn. Gusto ko
silang mapanood sa TV araw-araw dahil primera klase silang mag-isip at
magsalita. As in, brilliant! Whrrr! Nganga ang nakikinig.
At siyempre, gawin dapat “Spiritual
Adviser Emeritus Santus Dominos Isprikitik Amen” ni Presidente X (Ito muna ang
itawag natin sa i-endorse ng Triple X) si Arsobispo Oscar Cruz. Kasama sa
Balitang Triple X ang pagbisita nitong Arsobispo kay Gloria. Sinabi nito sa 24
Oras na pini-“persecute” daw ni PNoy si Gloria dahil walang Sona itong anak ni
Tita Cory na hindi nilalait si Gloria na anak ng “The Poor Man from Lubao” na
naging mayaman pagkatapos maging presidente ng isang mahirap na bansa.
Actually, naiintindihan ko itong
retiradong Arsobispo. In fact, come to think of it, kung susundan natin ang
lohika nitong makadiyos, makakatotohanan at makakatarungang si Arsobispo Cruz, dapat
hayaan na lamang natin si Gloria. Kawawa naman kasi siya, ikinulong ng
Pamahalaang PNoy sa isang Presidential Suite sa ospital imbes na sa isang city
jail. Pauwiin na natin siya sa magarang bahay niya sa La Vista. Iurong na dapat
ang lahat ng mga kaso niya. Kalimutan na natin ang pandarambong niya, pati ang
pandaraya niya sa mga eleksiyon. Gawin natin ito para maging makatao tayo.
Samakatwid, dedma na. Forgive and forget kumbaga na parang pelikula ni Sharon
Cuneta. Patawarin na natin si Gloria dahil ito ang makatarungan. Katarungan
para kay Ka Gloria! ang bagong sigaw ni Sister Stella L. na ang gumanap ay si
Velma Santos.
Nagtataka talaga ako kung bakit
hindi ginawang Cardinal itong si Arsobispo Cruz. This is so unfair! Siya ang pinakamatalinong
arsobispo sa ating arkipelagong paborito ng mga lindol at bagyo. But who says
that life is fair henewey? Sayang kasi talaga ang kaniyang wisdom, pagiging
compassionate, at pagiging banal. Imagine, dinalaw niya si Gloria sa kulungang
ginto nito? How can you be more compassionate than that, ateng? Malaking
kawalan talaga siya sa Vatican at sa lahat ng mga Katoliko sa buong sanlibutan.
Ang mga katulad niya dapat ang nagiging Santo Papa. Sayang na sayang talaga.
Retirado na siya.
Hanggang ngayon, pinipigilan ko pa
rin ang ngumiti. Triple X pala ha… Si Arsobispo Cruz bilang Santo Papa…
[6 Enero 2014 Lunes
Rosario, Lungsod Pasig]