"Iminumungkahi ko rito ang isang makataong
responsibilidad sa pagsipat sa lahat ng kulturang aktibidad at
karanasan: Kailangang mag-isip, sumuri, maging palatanong. Huwag
tanggapin ang anuman nang walang pasubali o kritika. Analisahin at
hamunin ang katuwiran ng awtoridad. Ang nakikita mo ay hindi sumasaiyo,
hindi para sa iyong interes o kolektibong kapakanan, kaya dapat
mag-ingat at laging gawing problema ang
nangyayari sa kapaligiran at sa naipataw o minanang balangkas ng iyong
buhay. Baguhin ang diwa, kaisipan, buhay. Ito marahil ang una at huling
aral na mahuhugot sa pag-aaral sa sining at mekanismo ng potograpiya, ng
kamera, sa kasalukuyang panahon." E. SAN JUAN, JR. Sipi mula sa
sanaysay niyang "Ilusyon, Katotohanan, Komodipikasyon ng Imahen at
Larawan"
Tungkol sa Manunulat
- Premyadong manunulat sa Kinaray-a, Filipino, Hiligaynon, at Ingles si JOHN IREMIL E. TEODORO na tubong-San Jose de Buenavista, Antique. Ilang beses nang nanalo ng Carlos Palanca Memorial Awards for Literature at ng National Book Award mula sa Manila Critics Circle at National Book Development Board. Associate Professor siya ng wikang Filipino, literatura, at malikhaing pagsulat sa College of Arts and Sciences ng Miriam College, Lungsod Quezon. Nagtapos siya ng M.F.A. Creative Writing sa De La Salle University-Manila kung saan siya nag-aaral ng Ph.D. in Literature sa kasalukuyan. Kilala rin siyang kritiko ng Literaturang Hiligaynon. Nakatira siya ngayon sa kaniyang maliit ngunit makulay na bahay sa Rosario, Lungsod Pasig.
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.