Inaawit ng sanlibutan ang Inyong pangalan.
Kayo ang dahilan kung bakit namumulaklak
Ang mga punongkahoy sa gubat ng aming kalag.
Kayo
ang dahilan kung bakit nagsasalitaan
Ang
mga alon at ulan sa gitna ng karagatan.Kayo ang dahilan kung bakit nagtatalumpati
Mga ibon at isda hanggang sila’y masayang napipi.
Patatagin
Po Ninyo ang aming dila
Upang
Kayo at Kayo lamang ang ibabantala.Patatagin Po Ninyo ang aming isipan
Upang Kayo lamang ang pararangalan.
Patatagin Po Ninyo ang aming damdamin
Upang kandungan Ninyo ang huling nanaisin.
Salamat
sa Inyong Salita na sa amin ay lumikha.
Salamat
sa harayang naging busay ng aming mga tulaUpang maibalita pagmamahal Ninyong labing dakila!
Siya
nawa...
2 Agosto 2012 Huwebes
6:15 n.u. Miriam College
[Ang tulang ito ay binasa bilang panalangin sa pagbubukas ng selebrasyon ng Buwan ng Wika sa Miriam College noong Agosto 2, 2012, alas-nuwebe ng umaga, sa Foyer ng Mother Mary Joseph Hall.]
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.