Tungkol sa Manunulat

My photo
Premyadong manunulat sa Kinaray-a, Filipino, Hiligaynon, at Ingles si JOHN IREMIL E. TEODORO na tubong-San Jose de Buenavista, Antique. Ilang beses nang nanalo ng Carlos Palanca Memorial Awards for Literature at ng National Book Award mula sa Manila Critics Circle at National Book Development Board. Associate Professor siya ng wikang Filipino, literatura, at malikhaing pagsulat sa College of Arts and Sciences ng Miriam College, Lungsod Quezon. Nagtapos siya ng M.F.A. Creative Writing sa De La Salle University-Manila kung saan siya nag-aaral ng Ph.D. in Literature sa kasalukuyan. Kilala rin siyang kritiko ng Literaturang Hiligaynon. Nakatira siya ngayon sa kaniyang maliit ngunit makulay na bahay sa Rosario, Lungsod Pasig.

Sunday, May 8, 2011

Buhangin

(Para kina Becky at JP na naiisip ko
habang ako’y naliligo sa Puerto del Mar)


Nalilikha ang perpektong tula
Kapag naghahalikan ang dagat at lupa.
Ang mga totoong talinghaga
Doon lamang makikita
Sa paglipad ng ibong malalaya.
May gaganda pa bang talata
Sa sayaw ng kalatsutsing sutla
At pulang bogamvilyang bakla?

Masarap ang lamig ng tubig-dagat
Handog ay dalisay na uri ng alat.
Huwag tayong mananawa sa pag-ibig
Ito ang tanging misteryo ng daigdig.


-J.I.E. TEODORO
 2 Mayo 2011 Lunes
 1:17 n.h. Villa Igang, Isla Guimaras

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.