Tungkol sa Manunulat

My photo
Premyadong manunulat sa Kinaray-a, Filipino, Hiligaynon, at Ingles si JOHN IREMIL E. TEODORO na tubong-San Jose de Buenavista, Antique. Ilang beses nang nanalo ng Carlos Palanca Memorial Awards for Literature at ng National Book Award mula sa Manila Critics Circle at National Book Development Board. Associate Professor siya ng wikang Filipino, literatura, at malikhaing pagsulat sa College of Arts and Sciences ng Miriam College, Lungsod Quezon. Nagtapos siya ng M.F.A. Creative Writing sa De La Salle University-Manila kung saan siya nag-aaral ng Ph.D. in Literature sa kasalukuyan. Kilala rin siyang kritiko ng Literaturang Hiligaynon. Nakatira siya ngayon sa kaniyang maliit ngunit makulay na bahay sa Rosario, Lungsod Pasig.

Sunday, November 28, 2010

Kataw sa Burnham Park


Asul ang ikog kang kataw sa Burnham Park.
Malinüng tana nga naglutaw sa kilid kang linaw.
Ala-siyete pa lamang sa aga
Kag wara tana ginasapak kang mga tawo nga nagaparanaw.
May kasadya kang nagapamukadkad nga mga bulak
Ang sirak kang nagakadlaw nga adlaw
Nga amat-amat nagapara kang sobra nga ramig
Nga dara kang küpküp kang nagapaangga nga ambon.
Kinahanglan ko rün magbalik sa hotel para mag-empake.
Balunon ko sa akün pag-uli sa Metro Manila ang laragway
Kang naurungan nga mga mata kang kataw nga may asul nga ikog
Nga nagapautaw-utaw sa darag nga tubig
Kang artipisyal nga linaw kadyang syudad sa bukid.


-J.I.E. TEODORO
 17 Oktubre 2010 Dominggo
 7:00 n.u. Lungsod Baguio


Sirena sa Burnham Park


Bughaw ang buntot ng sirena sa Burnham Park.
Tahimik siyang nakalutang sa gilid ng lawa.
Ala-siyete pa lamang ng umaga
At hindi siya pinapansin ng mga taong naglalakad.
May saya ng namumukadkad na mga bulaklak
Ang silahis ng tumatawang araw
Na unti-unting bumubura sa labis na lamig
Na dala ng yakap ng naglalambing na gabon.
Kailangan ko nang bumalik sa hotel upang mag-empake.
Babaunin ko sa aking pag-uwi sa Metro Manila
Ang titig ng tulalang sirenang may bughaw na buntot
Na palutang-lutang sa naninilaw na tubig
Ng artipisyal na lawa nitong lungsod sa bundok.


[Salin ni J.I.E. TEODORO]

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.