Tungkol sa Manunulat

My photo
Premyadong manunulat sa Kinaray-a, Filipino, Hiligaynon, at Ingles si JOHN IREMIL E. TEODORO na tubong-San Jose de Buenavista, Antique. Ilang beses nang nanalo ng Carlos Palanca Memorial Awards for Literature at ng National Book Award mula sa Manila Critics Circle at National Book Development Board. Associate Professor siya ng wikang Filipino, literatura, at malikhaing pagsulat sa College of Arts and Sciences ng Miriam College, Lungsod Quezon. Nagtapos siya ng M.F.A. Creative Writing sa De La Salle University-Manila kung saan siya nag-aaral ng Ph.D. in Literature sa kasalukuyan. Kilala rin siyang kritiko ng Literaturang Hiligaynon. Nakatira siya ngayon sa kaniyang maliit ngunit makulay na bahay sa Rosario, Lungsod Pasig.

Sunday, November 28, 2010

Sa Akün Ika-37 nga Kaadlawan


Pagbugtaw ko kaina it kasanagün,
Pagkatapos ko pangadi sa pagpasalamat,
Nagbüül pa ako kang kalkyuleytor
Agüd masigurado nga 37 rün gid man ako.
Bisan abi nga daw naglapad ang pagnipis
Kang buhok ko sa alipudwan
Kag daw imposible rün nga mapaküpüs
Ang akün buy-on—pamatyagan ko
Daw 27 lamang ako kag kon kis-a
Daw 17 lang kon magginagaga sa paghigugma.
Kang nag-30 ako nadepres takün
Hay nagmal-am rün ako. Pero kadya
Nga 7 rün ka tuig ang nagligad
Daw nagbata tana ang akün pamatyag
Bisan pa nga kapira rün nadugangan
Ang tabletas nga ginatomar ko adlaw-adlaw,
Kag gina-manong ako kang mga makilala ko
Sa YM kag pwede ko rün mangin bata
Ang mga laki nga gusto ko i-deyt.
Pirme rün lang takün ginangüsyan
Nga ang mga estudyante ko sa kolehiyo
Wara rün nanda naabutan ang una
Nga Edsa Revolution.
Ti sunod-sunod rün ang pagtitit
Kang akün selpon kag sigurado ako
Duro rün ang mga panamyaw sa akün fb akawnt.
Siguro mayad gid man ako nga tawo
Hay rakü man gali ang nagapalangga kanakün.
May nagpamangkot kon sa diin ang parti.
Wara. Dominggo kadya kag rakü
Ang akün ralabhan. Rakü man mga ramu
Nga dapat silhigün sa gamay ko nga hardin.

                                                             
-J.I.E. TEODORO
 14 Nobyembre 20010
 5:11 t.a. Syudad Pasig





Sa Aking Ika-37 na Kaarawan


Paggising ko kaninang madaling araw,
Pagkatapos kong manalangin sa pagpapasalamat,
Kumuha ako ng kalkyuleytor
Upang masigurado na 37 na talaga ako.
Kahit pa na parang lumapad ang pagnipis
Ng buhok ko sa ibabaw ng noo
At parang imposible na na lumiit pa
Ang aking tiyan—pakiramdam ko
Parang 27 lamang ako at kung minsan
Parang 17 lang kung naggiginaga sa paghigugma.
Noong nag-30 ako nadepres ako
Dahil ako’y tumanda na. Pero ngayon
Na 7 taon na ang nakalilipas
Parang bumata ang aking pakiramdam
Kahit ilang beses nang nadagdagan
Ang tabletas na aking nilulunok araw-araw,
At kinukuya ako ng mga makikilala ko
Sa YM at puwede ko nang maging anak
Ang mga lalaking gusto kong makadeyt.
Palagi na lamang akong nagugulat
Na ang mga estudyante ko sa kolehiyo
Hindi na naabutan ang una
Na Edsa Revolution.
Hayan sunod-sunod na ang pagtitit
Ng aking selfown at sigurado akong
Marami nang mga pagbati sa aking fb akawnt.
Siguro mabuting tao rin naman ako
Dahil marami ang nagmamahal sa akin.
May nagtanong kung saan ang parti.
Wala. Linggo ngayon at marami
Ang aking labahin. Marami ring mga sagbot
Na dapat kong walisin sa maliit kong hardin.

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.