REALISMO MAGICO
(Para kay Gabriel Garcia Marquez, 1927-2014)
Kon nagsulat lang ang akën Nanay
bëkët daad ikaw ang pinakasikat nga manunulat
kang Siglo Baynti.
Kon ikaw may Macondo,
tana may Mindanao.
Kang gamay pa ako sa Maybato
liwan-liwan nga ginaestorya na kanakën,
samtang nagabatang-batang kami
tapos-igma kag nagapamati
kang drama sa Bombo Radyo,
nga nagbahël kuno tana sa sangka banwa
sa ilawud kang Bukid Apo
nga bëkët kuno it bukid
kundi sangka higante nga mal-am
nga nagakaturog kag kon mangatsi gani
nagaasu ang irong.
Ang mga puno nanda kang duryan
kon magpamunga
ginakudalan ang palibot
hay kon mahulugan ang tawo
mabuka gid ang ulo.
Ang prutas nga dya prutas
kang mga tamawo
amo ria tuman ka bahu
pero tuman man ka namit.
Ang pareho na lang nga may kinaadman
ang makasarang magkaun
kang bilog nga duryan!
Kang daraga pa kuno tana
nakatawas tana sa mga nagapanagyap
kang mga pinasi kang bulawan
sa sangka malapad nga suba.
Kisra, nag-uli nga lingin
ang anang gurang nga laki,
nag-ëgët dya hay wara it dapli.
Ginbëël kadya sa dapog
ang kuron nga may kan-ën
kag ginpahabëg sa bintana.
Sa kaëgët ni Nanay
ginbëël na ang martilyo
kag ginpukpok ang likod kag ulo
kang gurang na nga nanumpa
nga indi rën mag-uli kon nakainëm.
Kag ang paborito ko sa tanan
nga anang estorya
nahanëngëd sa pagpanamkën
na kanakën
sa kataw nga nakita na
sa sangka karan-an sa pantalan
kang Tacloban nga gindungkaan
kang barko ni Tatay.
Amo kuno nga nami ang akën
mga batiis, tanus pareho sa batiis
kang kataw. Batiis? Abi ko may ikog
ang kataw? Pamangkot ko hay naglibëg
ang akën ulo. Kag makadlaw tana
antis na ipahat-ag nga ang kataw
sa Tacloban nga nakita na
isda ang lawas kag ang ikog
mga batiis kang bayi.
Pagkatapos hapulasën na
ang akën mga batiis
nag daw nagahapulas sa akën mga himbis.
Ay, buhay rën to. Wara rën si Nanay,
wara rën kami nagaestoryahanay ni Tatay,
rayë rën ako sa Maybato,
kag gamayan lang ginpara
kang balëd kag hangin ang Tacloban.
Sa idad rën ako nga medyo
wara rën gid nagapainto
sa mga drama sa radyo kag tibi.
Ugaring kon nagabakasyon ako
sa mga tagu nga daray-ahan
sa Guimaras man ukon sa Palawan,
kon mabasa gani kang dagat
ang akën mga batiis
nagatigaylo dya sa ikog kang isda
kag nagahining ang mga berde ko nga himbis.
Abaw, nami gid maglangoy-langoy
samtang ginaaningal ko
ang harakhak ni Nanay sa raganas
kang magagmay nga balëd.
Kag sa liwan, hulatën ko ang pagbanlas
sa puti nga daray-ahan
kang pinakagwapo nga laki
sa bilog nga kalibutan
nga ginpanaad kang imong sangka
mëgë nga sugidanën.
-JOHN IREMIL E. TEODORO
19 Abril 2014 Sabado
2:15 t.h. Rosario, Pasig
REALISMO MAGICO
(Para kay Gabriel Garcia Marquez, 1927-2014)
Kung nagsulat lamang ang aking Nanay
hindi sana ikaw ang pinakasikat na manunulat
ng Siglo Dalawampu.
Kung ikaw may Macondo,
siya may Mindanao.
Noong maliit pa ako sa Maybato
paulit-ulit niyang ikinukuwento sa akin,
habang nakahiga kami
pagkatapos ng pananghalian at nakikinig
ng drama sa Bombo Radyo,
na lumaki raw siya sa isang bayan
sa paanan ng Bundok Apo
na hindi raw talaga isang bundok
kundi isang higanteng matanda
na natutulog at kung manghatsing
umuusok ang ilong.
Ang mga puno nila ng duryan
kung namumunga
binabakuran nila ang paligid
dahil kung mahulugan nito ang isang tao
mababasag talaga ang ulo.
Ang prutas na ito
ay prutas ng mga diwata
kaya raw napakabaho
ngunit labis naman ng sarap.
Ang tulad lamang niya na may kakaibang abilidad
ang kayang kumain
ng isang buong durian!
Noong dalaga pa raw siya
nakasama siya sa mga namumulot
ng mga butil ng ginto
sa isang malawak na ilog.
Minsan, umuwi nang lasing
ang kaniyang siga na kuya,
nagalit ito dahil walang ulam.
Kinuha nito sa lutuan
ang palayok na may kanin
at itinapon palabas ng bintana.
Sa galit ni Nanay
kinuha niya ang martilyo
at pinukpok ang likod at ulo
ng kuyang nanumpa
na hindi na uuwi kapag nakainom.
At ang paborito ko sa lahat
sa kaniyang mga kuwento
ang tungkol sa paglihi
niya sa akin
sa sirena na nakita niya
sa isang restawran sa pantalan
ng Tacloban na dinaungan
ng barko ni Tatay.
Kaya raw maganda ang aking
mga binti, tanus tulad ng mga binti
ng sirena. Binti? Akala ko may buntot
ang sirena? Tanong ko dahil nalito
ako. At tatawa siya
bago ipaliwanag na ang sirena
sa Tacloban na nakita niya
isda ang katawan at ang buntot
mga binti ng isang babae.
Pagkatapos hahaplusin niya
ang aking mga binti
na parang hinahapos ang aking mga kaliskis.
Ay, ang tagal na niyon. Wala na aking Nanay,
hindi na kami nag-uusap ni Tatay,
malayo na ako sa Maybato,
at muntik nang burahin
ng alon at hangin ang Tacloban.
Nasa edad na ako na medyo
hindi na nagpapauto
sa mga drama sa radyo at telebisyon.
Kaya lang kung nagbabakasyon ako
sa mga tagong dalampasigan
sa Guimaras man o sa Palawan,
kung mabasa ng dagat
ang aking mga binti
nagiging buntot ito ng isda
at kumikinang ang berde kong kaliskis.
Abaw, ang sarap talagang lumangoy
habang nauulinigan ko
ang halakhak ni Nanay sa lagaslas
ng maliliit na alon.
At muli, hihintayin ko ang pagdagsa
sa puting dalampasigan
ang pinakaguwapong lalaki
sa buong daigdig
na ipinangako ng isa mong
maikling kuwento.
[Salin ng may-akda]